Tuesday, February 19, 2008

MAIKLING KASAYSAYAN NG PILIPINAS

MAIKLING KASAYSAYAN NG ISLAM SA PILIPINAS Bago pa dumating sa Pilipinas ang iba’t ibang aral tungkol sa pananampalataya, likas na sa ating mga ninunong Pilipino ang sumamba sa Diyos. Bagama’t ito ay hindi ayon sa katotohanan, sapagkat sila ay maibibilang sa tinatawag na “ANIMIST” o mga taong sumasamba sa lahat na halos ng mga bagay na nilika maliban sa Dakilang Lumikha. Ang sinsamba ng ating mga ninuno noon ay bundok, araw, buwan, bituin, puno, kidlat, kulog, apoy atbp. Ngunit nang dumating ang aral ng Islam ang tunay na relihiyong galling sa Allah, nagkaroon ng ganap na pagbabago sa kanilang buhay at relihiyon. Naitatag nila ang isang pamayanang Muslim ngunit ito’y hindi nagtagal. Nang dumating ang mga dayuhang kastila sa bansang Pilipinas sinakop nila ito at pinilit nilang palitan ang relihiyong Islam sa pamamagitan ng dulo ng espada. Ang relihiyong Islam ay unang inihayag sa Pilipinas noong 1380 ng isang Arabo na si Sharif Makhdum, itinayo niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig Indangan, Sumunul, Tawi-Tawi. Si Makhdum ay namatay sa Isla ng Sibutu at doo na rin siya inilibing. Noong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa bansang Pilipinas at itinuloy niya ang naiwang Gawain ni Sharif Makhdum. Ganoon di naman, dumating din si Abu Bakr sa jolo noong 1450 at di naglaon siya ay ikinasal sa anak ni Rajah Baginda na si Prinsesa Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagpasimula ng Sultanate sa Sulu at siya at ang kanyang asawa ang siyang kauna-unahang Sultan at Sultana. Matapos maitatag ang relihiyong Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay kumilos patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabunsuan. Sila ay dumaong sa Maguindanao (ngayon ay Cotabato) noong 1475, at di naglaon siya ikinasal akay Prinsesa Tunina. Sila ang unang Sultan at Sultana sa Maguindanao. Nang sumunod na mga taon, maraming Muslim na mga Datu mula sa Borneo ang dumating sa Pilipinas nang mabalitaan nila ang mabuting pagtanggap ng mga tao sa Pilipinas. Dumating sa bansang Pilipinas ang sampung Datu at sila ay dumaong sa Panay . Ang mga Datung ito ay sina Datu Puti, Sumakwel, Bangkaya, Dumangsol, Paiburong, Padhuhinog, Ubay, Dumangsil, Dumaloglog, at Balensula (ngayon ay Valenzuela). Si Datu Puti ang pinuno ng pangkat na ito sapagkat bihasa siya sa paglalakbay dagat. Sila ay dumaong sa San Joaquin, IloIlo noong araw ay kilala sa tawag na Siwaragan. Si Datu Puti at ang knyang mga kasama ay binili ang mababang Iloilo kay Marikudo ang pinuno ng mga Itas (pygmies) at naitatag nilang ganap ang kolonya o komunidad ng Islam doon. Nang ang komunidad Islam ng mga taga Borneo ay ganap ng naitatag ng Panay, si Datu Puti, Datu Balensula at Datu Dumangsil ay naglayag patungong norte at sila’y dumaong sa Batangas. Itinatag ni Datu Balensula at Datu Dumasil ang kanilang komunidad doon sa Batangas subalit si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo at bumagtas sa Mindoro at Palawan . Nang sumapit siya sa Borneo ay ibinalita niya ang kanilang naging karanasan. Bunga nito higit na marami pang mga taga Borneo ang naakit na magpunta sa Pilipinas. ANG PAGDATING NG MGA KASTILA AT KRISTIYANISMO Nang dumating si Magellan sa Limasawa noong Marso 16, 1521, ang Pilipinas ay isa ng bansang Muslim. 144 taon na ang relihiyong Islam sa bansang Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila o ang Kristiyanismo. Isang bansang sumasamba sa nag-iisang tumnay na Diyos, ang Allah (SWT). Katotohanang nakatala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na nang dumating si Legaspi (kapalit ng namatay na si Magellan), ang komunidad ng mga Muslim ay ganap ng naitatag sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Cataduanes, Cebu, Samar, Manila , Palawan, Mindanao at Sulu. Ang unang Muslim na nagtanggol sa kalayaan ng Pilipinas at relihiyong Islam ay si Lapu Lapu. Nong Hunyo 3, 1571 ay naglunsad ang mga kastila ng isang malaking pakikidigma sa mga Muslim sa Maynila. Ang Maynila noon ay pinamumunuan ni Rajah Soliman. Buong tapang niyang ipinagtanggol ang Maynila at Islam hanggang sa huling patak ng kanyang dugo sa Bangkusay sa baybay dagat ng Tundo. Matapos magapi ng mga Kastila si Rajah Soliman at ang kanyang mga kapanalig ay pinagpapatay ng mga Kastila ang maraming Muslim, bata man o matanda. Gayon pa man ang mga Muslim ay matatag at magiting na nagtanggol hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga. Dahil sa mahinang uri ng sandata na taglay ng mga Muslim (bolos at sibat) laban sa baril at kanyon ng mga Kastila, sila ay napilitang umatras at lumikas patungong probinsiya ng Rizal at ang lugar na iyon ay kilala sa ngayon sa tawag na Morong Rizal, at yaong mga lumikas patungo sa gilid ng mga ilog ay tinawag sa ngayon na Tagalog (taga ilog) gaya ng Cavite, Laguna, atbp. Ang mga Muslim sa bayan ng Rizal ay patuloy na nakipaglaban sa mga Kastila at ang lugar na iyon ay kinilala sa ngayon na Binangonan Rizal. Ang mga Kastila ay nagtatag ng kanilang punong himpilan sa Maynila at ipinagpatuloy ang pagsakop sa Isla ng Bisaya. Ang mga Muslim na hindi namatay sa labanan ay napilitang ipatat’wa ang relihiyong Islam at ipinayakap ang relihiyon ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa dulo ng espada. Ngunit ang mga tapat na Muslim ay pinili pa ang libingan kaysa lisanin ang pagsamba sa nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT). Ang mga Kastila ay hindi tumigil sa panakop at hinangad nila na sakupin din pati ang Mindanao ngunit ang mga Muslim dito gaya ng Iranon, Maranao, Maguindanaon, Tausug, Samal at Sangil ay buong tapang at buong giting na nagtanggol at hindi pinayagan ang nais ng mga dayuhan. Nagtanggol sila noon at patuloy pa ring ipagtatanggol ang Islam hanggang sa ngayon. Namayani ang mga Kastila sa bansang Pilipinas sa loob ng may apat na raang taon (400). Napakahabang panahon ng pagpipilit na lipulin ang lahat ng mga Muslim upang mabura nila sa kasaysayan ng Pilipinas ang relihiyong Islam, ngunit sila ay nabigo, hanggang sa ang pamumuno ng mga Kastila ay magwakas noong 1898 nang agawin ng bansang Amerika ang Pilipinas. Lumasap man ng pansamantalang pagkalupig ang bansang Pilipinas, ang relihiyong Islam na bigay ng Dakilang Lumikha ay mananatiling nakatayo at matatag na kailanman ay hindi matitinag.

No comments: